315

Mar 26, 2018 @ 10:28
By

DAILY RADAR: Aicelle at Gerald Santos, nagkaroon ng instant reunion sa Manchester, England

Instant reunion ang pagkikita nina Gerald Santos at Aicelle Santos sa Manchester, England sa United Kingdom.

Both Aicelle and Gerald will be part of the award-winning musical na “Miss Saigon UK” tour. Pangawalang taon na ni Gerald sa nasabing musical after he was renewed for another year. Ginagampanan ng Prince of Ballad ang papel na Thuy.

Isa si Aicelle sa bagong miyembro ng company (the two others are Joaquin Pedro Valdes at Iroy Abesamis). Gagampanan naman niya ang role na Gigi Van Trahn, ang papel na dating ginagampanan nina Isay Alvarez (original at Manila cast) at Rachelle Ann Go (West End at Broadway revival).

Naging mahigpit na magkalaban noon sina Aicelle at Gerald sa 2006 version ng “Pinoy Pop Superstar,” na ino-host ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. Itinanghal na kampeon ng second season ng talent search ng GMA Network si Gerald at nakuha naman ni Aicelle ang ikalawang puwesto.

Pagkaraan ng mahigit 12 years, muling maghaharap sa iisang entablado sina Gerald at Aicelle. Hindi na bilang contestants kundi bahagi ng isang award-winning musical na nagpasikat nang husto kay Lea Salonga sa West End at Broadway at nagbigay karangalan as the only Pinoy theater actress na nanalo ng Olivier Awards sa London at Tony Awards sa New York.

Sa social media accounts ni Gerald, who’s coming home this May for a short respite at promo na rin ng kanyang digital single mula sa Star Music, nag-post ang multi-talented singer/actor ng photo nilang dalawa ni Aicelle at nilagyan ng caption na, “Reunited with my longtime ‘Pinoy Pop Superstar’ sister @aicellesantos here in Manchester! So happy for you [A]ice! Career and lovelife goals!”

Dugtong ni Gerald, “Bro @markzambrano congrats and happy for the both of you! Looking forward to meeting you soon!”

Naka-tag din sa post ni Gerald ang host ng show (Regine V) at sina Harry Santos at Irra Cenina, dalawa sa batchmates nina Aicelle at Gerald sa “Pinoy Pop Superstar” at sabi nang huli, “@san_harv @irracenina kailan kayo punta dito??? Hello po Ate @reginevalcasid!!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?