122

By

DAILY RADAR: 4 local celebrities, nominado sa Kid’s Choice Awards 2018

Inilabas na ng Nickelodeon Kid’s Choice Awards sa kanilang official site ang nominasyon sa iba’t-ibang kategorya.

Apat na local celebrities ang maglalaban-laban para sa kategoryang Favorite Pinoy Newbie. Pasok sa listahan sina Gabbi Garcia mula sa GMA Network at Iñigo Pascual, Joshua Garcia at Loisa Andalio mula naman sa ABS-CBN.

Gaganapin ang awards ceremony ng 31st Nickelodeon Kid’s Choice Awards sa The Forum, Inglewood, California sa March 24, 2018.

To vote for your favorite young star, log on lang kayo sa kca.nic-asia.com.

Sa Twitter, nakiusap si Julia Barretto, girlfriend ni Joshua, sa kanyang mga follower na iboto ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso. Ani Julia, “Can everyone unite for my love and make him win this thing?” Tinapos ni Julia ang kanyang post ng hashtags na #KCA #FavPinoyNewbieJoshua

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?