97

By

DAILY RADAR: 1st Public screening ng ‘Citizen Jake,’ sold out!

Sharing is caring!

Magaganap ang first public screening ng controversial film ni direk Mike de Leon na “Citizen Jake” sa UP Film Center mamayang gabi, March 13 at 7.

Nagkaroon na ito ng invitational screening nu’ng Sabado, March 10 sa Cine Adarna ng University of the Philippines sa Diliman, Quezon City at tulad ng inaasahan kahit strictly invitational, dinumog ito ng tao and it was an SRO screening.

Comeback film ito ni direk Mike after almost 18 years in hiatus at big screen acting debut ito ng award-winning Kapuso journalist na si Atom Araullo.

Ang tapang ng movie, ang ganda ng structure ng script, panalo ang direksyon at ang huhusay ng mga artista. Technically, pasadung-pasado ito.

For a newbie, pasado rin sa panlasa namin si Atom at ang guwapo niya sa screen, huh? It’s an ensemble acting. Sa bumubuo ng cast, headed by Atom, congratulations! Kudos to Max Collins, Cherie Gil, Gabby Eigenmann, Dina Bonnevie, Adrian Alandy,

Nonie Buencamino, Lou Veloso at Teroy Guzman.

Catch this film at UP Film Center!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?