19

Mar 26, 2021 @ 17:26
By

Daily COVID case sa ‘Pinas nilampasan buong Southeast Asia!

Isang record na hindi dapat maipagmalaki ang naabot ng Pilipinas sa lumalalang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Napansin ni Sorsogon Governor Chiz Escudero na umabot ang 8,737 bagong COVID-19 case sa Pilipinas nitong Huwebes ay ang pinakamataas sa buong rehiyon ng Southeast Asia.

Ang nakapanlulumo pa ay higit ito sa pinagsama-samang 7,584 daily case na naitala sa siyam pang bansa sa SEA.

“Yesterday, the Philippines exceeded the combined total number of new cases in the whole of Southeast Asia (SEA). Today was even worst,” ayon kay Escudero.

Nitong Martes, March 26, ay pumalo pa sa 9,838 ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, dahilan para lumampas na sa 109,000 ang aktibong kaso ng new coronavirus, habang ang kumpirmadong kaso ay sampa na sa 702,856.

Sa pag-aaral ni DJ Bandoy, isang Filipino genomic data scientist, posibleng pumalo sa isang milyon ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinsa kung hindi mapigilan ang pagkalat ng virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?