71
Daig pa si Ariana Grande! Ronaldo most followed sa Instagram
Apr 5, 2019 @ 14:45
By

Daig pa si Ariana Grande! Ronaldo most followed sa Instagram

Hindi isang artista, singer o politiko ang most followed na personalidad sa social media space na Instagram.

Kita ang lakas ng football sa IG matapos sungkitin ni Portuguese star Cristiano Ronaldo ang titulo bilang may pinakamaraming followers sa social media application.

Umaabot lang naman sa 160M ang kanyang follower ngayong taon, noong 2015 ay nasa top 10 lang sa abot 40M na following.

Kasunod ni Ronaldo ay ang sikat na singer na si Ariana Grande, may 150M follower sa IG at bawat post ay umaabot ng milyong likes.

Isa pang singer ang kumumpleto sa Top 3, ang dating High School Musical star na si Selena Gomez ay maipagmamayabang ang 148M followers kahit pa matagal nabakante dahil sa drug abuse.

Ilan pa sa kasama sa Top 10 ay sina dating WWE star turned actor na si Dwayne ‘The Rock’ Johnson (137M), Kim Kardashian (133M), Kylie Jenner (131M), Beyonce (126M), Taylor Swift (115M) at dalawa ring football star na sina Lionel Messi (113M) at Neymar Jr. (113M).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?