171

Feb 4, 2019 @ 14:52
By

Daig ang 2 San Beda star: Perez unang PBA Rookie of the Month

Pinatunayan ng dating Lyceum star na si CJ Perez na karapat-dapat siya bilang top pick sa nagdaang PBA Rookie Draft.

Iginawad kay Perez ang PBA Press Corps Rookie of the Month para sa Enero, na unang isinagawa ngayong season.

Tinulungan ni Perez ang Columbian Dyip na masungkit ang 2-2 record, nanguna nang ihiya ang defending champions na San Miguel, 124-118, sa kanyang debut performance na 26 points at limang rebounds.

Sa apat na laro, nag-average si Perez ng 16.0 points, 7.8 rebounds, 4.0 assists at 2.0 steals.

Kanyang inungusan ang dalawang dating karibal sa NCAA na sina ex-San Beda stalwart Robert Bolick ng NorthPort, Javee Mocon ng Rain or Shine, at ang nakasalang na sa Gilas na si Abu Tratter para sa Blackwater.

Nag-average si Bolick ng 14.3 points, 14.3 points, 4.0 rebounds, at 3.0 assists, si Tratter naman ang isa sa leading scorer para sa Elite na may 12.7 points at 7.3 rebounds samantalang tumatrabaho naman si Mocon ng 9.7 points, 7.0 rebounds, at 1.7 assists kada laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?