33

Jun 22, 2022 @ 22:19
By

Dahlia kinagiliwan sa paggawa ng ice cream Dahlia kinagiliwan sa paggawa ng ice cream

Sumusunod sa yapak ng kanyang chef daddy ang only daughter ni Anne Curtis na si Dahlia.

Makikita sa video na ibinahagi ni Erwan Heussaff sa IG ang pagtuturo niya kay Dahlia na gumawa ng banana-avocado ice cream.

Hinahayaan niya ang bagets na siyang gumawa ng ilang steps tulad ng pagdurog sa saging at avocado.

“She didn’t want me to film her eating the ice cream,” caption ng utol ni Solenn Heussaff.

Proud mommy naman si Anne: “My little chef 💖 Thank you pooooo!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?