185

Dahilan ni Villar sa ‘di pagpirma sa reso, hindi tama – Lacson

Nilinaw ni Senador Panfilo Lacson na hindi si Senate President Vicente Tito Sotto III ang magdedetermina kung sino ang magiging chairman ng bawat komite kundi ang majority votes.

Ani Lacson, hindi tamang pakinggan na kaya hindi lumagda si Villar sa resolusyon na sumusuporta kay Sotto, dahil ayaw niya na mawalan ng komite sina incoming Senators Pia Cayetano at Imee Marcos.

Dagdag pa ni Lacson, hindi dapat na isisi ni Villar kay Sotto kung hindi makakakuha ng komite sina Cayetano at Marcos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?