204

Jan 25, 2019 @ 11:26
By

Dahilan ng pagkamatay ng dalaga sa Sinulog, iimbestigahan

Sasailalim sa isang awtopsiya ang katawan ng namayapang 19-anyos na dalaga para malaman ang eksaktong dahilan ng pagkamatay nito.

Sa report ng GMA News, sinaad ni Benny Abad, tito ni Ashley Abad, na ipapasuri ang katawan ng kanilang kamag-anak ngayong linggo.

Sa ngayon, pinaniniwalaan na ecstasy overdose ang naging dahilan ng biglaang pagpanaw nito.

Nagsimula na ng imbestigasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police sa nasabing insidente.

Matatandaan na ini-report ng PDEA ang pangyayari, sumakabilang-buhay ang dalaga Linggo ng hapon matapos dumalo sa isang party habang kasagsagan ng Sinulog festival. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?