60

Sep 30, 2018 @ 23:06
By

Dahil walang TF: Nanay, aktor atras sa promo

Naloka ang isang kilala ko na humahawak ng promo ng ilang mga TV show at movie.

Kinausap kasi niya ang isang character actress na nanay ng isang sikat na young actor tungkol sa promotion ng kanilang TV show.

Kasama si character actress sa cast at kasama rin daw sa kontrata na kailangang mag-promote at ang first three promos ay free na.

Pero nagtanong daw si character actress kung may TF daw at nang sabihin nga ito na wala ay biglang nag-dialogue ng, “Ay, sorry, may shooting pala kami!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?