47

Oct 11, 2021 @ 10:01
By

Dahil wala ng ohabarts, Alex Ilacad pinatos PBB

Isa na rin sa makakapasok sa “Pinakasikat na Bahay” sa ‘Pinas si Alexa Ilacad.

Nito lamang kasing Biyernes nang ibunyag ni dating PBB big winner Kim Chiu na isa ang aktres sa kasama sa Pinoy Big Brother celebrity edition.

“I look forward na maipagluto ko sila. Makasama sila sa tasks. At maka-gain lang ng bagong experience na madadala ko habambuhay,” ani Ilacad.

Ilan sa makakasama ng batang aktres sa “Bahay ni Kuya” sina PVL superstar ng Alyssa Valdez, Madam Inutz, Anji Salvacion, TJ Valderrama, Brenda Mage, at Eian Rances. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,