157

Jan 21, 2020 @ 15:21
By

‘Dahil wala nang JaDine: KathNiel, LizQuen ingatan!’

Dapat umanong proteksiyonan ng publiko ang mga real-life celebrity couple na Kathryn Bernardo-Daniel Padilla at Liza Soberano-Enrique Gil, matapos kumpirmahin nina Nadine Lustre at James Reid na hiwalay na sila.

Wala na kasi ang “holy trinity” ng mga loveteam na JaDine-KathNiel-LizQuen, ayon pa sa mga netizen.


Sa kanilang joint statement kagabi, Enero 20, 2020, sa “Tonight with Boy Abunda,” sinabi nina Nadine at James na kaya sila naghiwalay ay upang pagtuunan ng pansin ang kanilang mga career at personal growth habang bata pa sila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?