266
Abueva gumanti lang kay Rivera
Aug 22, 2019 @ 16:41
By

Dahil suspendido pa sa PBA: Abueva nag-teacher muna

Nagpapakita na nang pagbabago si Calvin Abueva matapos itong masuspende sa PBA dahil sa ilang paglabag sa rules ng liga.

Sa ngayon ay nagtuturo sa mga bagito ang Phoenix forward sa isang basketball clinic sa Pampanga.

Sa ‘Delta Basketball Training Camp’ mamamataan si Abueva, na pinangalan kay Pampanga Governor Dennis ‘Delta’ Pineda na manager ng manlalaro.

Umuuwi muna si Abueva sa kanyang pamilya sa Pampanga matapos itong makipaghiwalay sa kanyang asawa matapos ang kanilang bangayan sa social media.

Matatandaan na nasuspende si Calvin matapos itong saktan si TNT import Terrence Jones, pati na rin ang pambabastos sa dyowa ni Blackwater rookie Ray Parks Jr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?