62

Jun 25, 2019 @ 19:47
By

Dahil sa ‘wrong send’: 29-anyos na-in love sa 59-anyos

Paulit-ulit na ibinabahagi nina Henry Glendening at Kasey Bergh kapag may pagkakataon kung paanong nagsimula ang love story nilang dalawa.

Kuwento ni Henry sa isang website, madalas umanong napagkakamalang nanay niya si Kasey, na 59-anyos na.

“Like Mother’s Day one year we’re at the hardware store and the cashier remarks, ‘It’s so nice of you to be helping your mother, you know, on a day like today.’ And of course, you know, I stepped in to clarify, she’s not my mom. This is my wife,” sabi ni Henry, na 30 years na mas bata kay Kasey.

Kung paanong nagsimula ang relasyon nila ay maihahalintulad sa mga rom-com TV show o movie.

Nasa business trip sa Denver noong 2012 si Kasey at inakala niyang ka-text niya ay co-worker niya na inaaya niyang gumimik pero nagkamali siya ng send.

“Hey, it’s Kasey. Maria isn’t going to be here on time. And I was wondering if you’d want to hang out,” sabi umano ni Kasey.

“Sorry, you’ve got the wrong number. But if I wasn’t on my way to work, I’d hang out with you,” sagot umano ni Henry.

Nagresulta ang palitan ng text sa pagmamahalan at kasalan.

Nasubukan ang tatag ng samahan nila nang magkaroon ng health emergency si Kasey dahil pumalya ang kidney transplant niya noong 1995 kaya kailangan niya ng panibagong organ.

Sa kabutihang-palad nag-match ang kidney ni Henry kay Kasey.

Hindi naman nagdalawang-isip ang lalaki na ibigay kay Kasey ang kanyang kidney at sinimulan ang operasyon sa Barnes-Jewish Hospital.

“When I got sick, he just like stepped up just like a hero. Henry, it turns out the way his kidney and his body is formulated that it’s a perfect immunological match. So now I’m feeling like amazing to think that it could last for as long as I need it to,” wika ni Kasey.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?