208

Sep 9, 2021 @ 12:02
By

Dahil sa VP bid ni Duterte: Pagkapangulo, sinara ni Mayor Sara

Sinara na ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang pinto para sa pagkapangulo sa 2022 matapos umanong tanggapin ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon ng PDP-Laban para maging vice presidential candidate.

Kinumpirma ito ni Mayor Sara ngayong Huwebes.

“Yes, I am not running for a national position as we both agreed only one of us will run for a national position in 2022,” wika ni Mayor Sara.

Dagdag pa ng alkalde, napagkasunduan nila ng pangulo na isa lamang mula sa kanilang pamilya ang tatakbo sa isang national position.

“It does not affect any of my plans but as we both agreed only one from the family will run for a national position,” aniya.

Nagpasalamat din siya sa mga taga-suporta na patuloy ang pag-uudyok sa kanya na tumakbo sa pagkapangulo.

“Yes, I am happy we are united in our desire to see a better Philippines in the future. I will be eternally thankful for your trust and confidence,” ani Duterte-Carpio.

Patunay ng pag-uudyok sa kanya ay ang mga nakapaskil sa iba’t-ibang bahagi ng bansa na ‘Run Sara, Run.’

Samantala, nilinaw rin ng alkalde na maayos ang relasyon niya sa ama.

“The same as it was before. Our politics do not interfere with our familial relationship. Iba ang trabaho, iba ang pamilya. Walang personalan,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?