31

Apr 6, 2021 @ 11:49
By

Dahil sa twerk video: Paul Pierce sibak sa ESPN

Tinanggal ng ESPN bilang analyst si Paul Pierce kasunod ng Instagram Live nito kung saan pinakita niya ang ilang seksing bebot.

Ilang source ang naglantad na sibak na si Pierce sa naturang media company, kung saan nakasama siya sa ilang programa tulad ng ‘The Jump’ at ‘NBA Countdown’.

Ito’y matapos mag-viral ang video ni Pierce na may mga kasamang bebot na halos wala nang saplot.

Isa pang babae ang nagpakita ng kanyang puwet habang nakahiga at nagti-twerk.

Matapos ang pagkasibak ni Pierce, nag-post agad ito ng Instagram story na mistulang tugon sa ESPN.


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?