ABANTE Prospero De Vera III ched oic
By

Dahil sa Train Law, 234 na kolehiyo, unibersidad, humirit ng ‘tuition fee increase’

Sharing is caring!

Humirit ang kabuuang 234 na pribadong unibersidad at kolehiyo sa bansa ng 12 porsyentong umento sa sinisingil nilang matrikula sa Commission on Higher Education (CHED) para sa school year 2018-2019.

Ayon kay CHED Commissioner Prospero De Vera, idinahilan ng mga unibersidad at mga kolehiyo ang epekto ng TRAIN Law at tumataas na halaga ng edukasyon sa bansa.

Sinabi ni De Vera na ayon sa mga nagpetisyong mga unibersidad at kolehiyo, kailangan nilang magtaas ng tuition fee para pumantay sila sa sahod ng mga nasa pampublikong paaralan.

Samantala, 221 pribadong paraalaan sa kolehiyo ang hiniling naman sa CHED na payagan silang maningil ng karagdagang bayad para sa iba pang gastusin ng eskuwelahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?