144

By

Dahil sa suntukan: Ibaka, Chriss suspendido!

Malupit na parusa ang ipinataw ng NBA kina Toronto Raptors forward Serge Ibaka at Cleveland Cavaliers forward Marquese Chriss matapos magsapakan ng dalawa noong Martes, oras sa Pilipinas.

Hindi makapaglalaro si Chriss sa laban ng Cavs sa Philadelphia 76ers dahil sa one-game suspension, samantalang mas mahabang garahe naman ang haharapin ni Ibaka.

Tatlong laro na suspensyon ang ipinataw kay Ibaka, hindi makakasalang sa Los Angeles Lakers, Toronto Raptors at New York Knicks.

Matatandaan na nagkaroon ng bangayan ang dalawa matapos bumagsak si Ibaka sa box out ni Chriss.

Bukod sa suspensyon, multa rin ang dalawa, $448K kay Ibaka samantalang $22K naman kay Chriss.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?