45

By

Dahil sa selos? Rider na lolo tigok sa Ilocos, partner nakaligtas

Todas agad ang isang 80-anyos na lalaki matapos siyang barilin sa ulo habang lulan ng kanyang motorsiklo kasama ang kanyang live-in partner sa national road sa Barangay Lubigan, Badoc, Ilocos Norte noong Martes, Setyembre 17.

Kinilala ang biktima na si Rufo Polendey, residente ng Barangay Alay ng nasabing bayan.

Samantala, ang live-in partner na himalang nakaligtas ay si Amy Alcovendas.

Sa imbestigasyon, ayon kay Badoc Police Station (BPS) commander P/Major Artemio Clemente, ang biktima ay huminto sa kalsada na backride si Alcovendras na sinundo niya galing sa trabaho sa bayan ng Badoc.

Papauwi na sana ang dalawa nang tabihan siya ng isang motorsiklo sakay ng hindi pa nakikilalang suspek, at walang sabi-sabi ay binaril sa ulo ang biktima gamit ang hindi pa malamang kalibre.

Agad na tumakas ang suspek pagkatapos ang pamamaril.

Samantala, sinabi ng BPS na naging tulala naman si Alcovedas dahil sa nasaksihan niya ang pamamaril sa kanyang live-in partner.

Sa ngayon, tinitingnan ng BPS investigation department kung love triangle ang posibleng motibo ng pagpatay sa biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?