388
dead-body
Dec 27, 2017 @ 10:08
By

Dahil sa selos, mister pinatay ang misis noong Pasko

Labis na pagseselos umano ang nagtulak sa isang 33 anyos na laborer na kitilin ang buhay ng sariling asawa noong araw ng Pasko sa bisinidad ng Blue House Small Ruminant Project Center sakop ng Central Luzon State University (CLSU) Compound, Brgy. Bantug, Science City of Muñoz, Nueva Ecija.

Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni P/Sr. Supt. Eliseo Tanding, acting Nueva Ecija police director, kinilala ang biktimang si Rochel Pagatpatan, 31, residente ng Brgy. Villa Nati, Science City of Muñoz.

Dakong alas-6:30 ng gabi noong tumawag sa police station si Ramon Valentino, Chief Security ng CLSU ukol sa natagpuang bangkay ng biktima.

Lumitaw sa imbestigasyon na ang salarin na si Rodel Quijano Pagatpatan, residente ng Brgy. Bangar, Victoria, Tarlac ay agarang umuwi sa kanilang lugar at inamin sa mga kaanak ang ginawang pamamaslang sa asawa na iniwang nakahandusay malapit sa Blue House Small Ruminant Project Center.

Napatay umano sa gulpi ang asawa makaraan ang matinding pagtatalo dahil sa paratang umano ni mister na may kalaguyo ang asawa nito.

Kaukulang kaso ng parricide ang isinampa kontra sa salarin na agarang naaresto ng mga pulis-Muñoz. (Jojo De Guzman)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?