48

Oct 9, 2021 @ 22:04
By

Dahil sa selos: Granada ni mister, sabog sa kanila ni misis

Humantong sa pagkasawi ng mag-asawa ang kanilang pag-aaway nang sumabog ang granadang hawak ng lalaki sa gitna ng kanilang pagtatalo sa Malaybalay City, Bukidnon.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, kinilala ang mag-asawang nasawi na sina Jojit at Romalyn Leona.

Kinumpronta umano ni Jojit si Romalyn dahil sa selos habang hawak ang isang granada.

Sa gitna ng kanilang mainit na pagtatalo ay sumabog umano ang granada na agad nila ikinamatay.

Nadamay at nasugatan pa ang lima katao, kabilang ang isang bata at sanggol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?