35
kulong-arrested
By

Dahil sa selos: Call center agent muntik mautas

Nakakulong ang isang 20-anyos na lalaki matapos ang tangkang pagpatay sa isang call center agent na kanyang pinagseselosan makaraang makita na magkasabay ang kanyang live-in partner at biktima na lumabas ng opisina, Sabado ng hapon sa Barangay Sto. Nino, Marikina City.

Batay sa nakalap na report mula sa kmay Eastern Police District (EPD) Director PBGen. Johnson Almazan, nakilala ang suspek na si Renz Mark Mikayawa y Macarilao, 20-anyos, walang trabaho at residente ng Marikina City.

Naganap ang insidente bandang alas-7 Sabado ng umaga sa labas ng Alorica Marikina na matatagpuan sa Gil Fernando Ave., Barangay Sto. Nino, nang susunduin ng suspek ang kanyang live in partner na itinago sa pangalang Joy at nagulat ito nang makita na kasama ang biktimang si Carman Zyre Bautista y Asido, 21-anyos, call center agent.

Ayon sa report, agad na kinumpronta ng suspek ang biktima sa patuloy na pagsabay nito kung saan ay una nang nagbigay ng babala ang suspek na umiwas na sumabay kay Joy.

Hanggang sa muling makita ng suspek na magkasabay sila kaya walang sabi-sabi na agad na sinuntok ng suspek ang biktima. Hindi pa nasiyahan sa ginawa ay muling pinagsusuntok nito ang biktima hanggang sa mawalan na ito ng malay.

Agad na umalis ang suspek at nang mahimasmasan ang biktima ay agad na nagsampa ng reklamo sa Marikina Police.

Nagsagawa ng follow up operation ang Marikina Police at nahuli ang suspek bandang 5:00 ng hapon.

Nahaharap sa kasong attempted homicide si Macarilao at nakakulong sa Marikina detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?