413

Aug 15, 2019 @ 15:59

Dahil sa relasyon, babae nagtangkang magpakamatay

Dahil sa umano’y kumplikadong relasyon, nagtangkang magpakamatay ang isang 42-anyos na babae sa pamamagitan nang paglaslas ng pulso nito kahapon ng umaga sa Makati City.

Patuloy na nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Makati ang biktimang si Nimfa.

Lumalabas sa report ng Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-11:20 ng umaga sa nasabing lungsod.

Nabatid na nagtangkang magpakamatay ang biktima matapos kunin ang isang blade at nilaslas ang kanyang pulso.

Kaagad naman siyang sinugod ng kanyang mga kaanak sa nabanggit na pagamutan.

Nagawa umano ng biktima ang tangkang pagpapakamatay dahil sa kumplikadong relasyon nito, subalit hindi na dinetalye ng mga imbestigador matapos makiusap ang pamilya ng biktima.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang nasabing insidente. (Armida D. Rico)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?