672
Dahil sa rape joke: Housemate pinatalsik sa Bahay ni Kuya
Jun 5, 2019 @ 14:45
By

Dahil sa rape joke: Housemate pinatalsik sa Bahay ni Kuya

Na-force evict ang isang housemate sa Pinoy Big Brother dahil sa maseselang biro nito sa mga kasama sa Bahay ni Kuya.

Si Banjo Dalangan, na inilarawan bilang ‘Funny Fighter ng Quezon City’, ay tuluyan nang pinauwi matapos ang ilang serye ng mga malalaswang biro nito sa mga housemate.

Unang pinuna ng kanyang mga kasama ang pag-amoy nito ng buhok sa mga babaeng housemate na dahilan para pagsabihan siya ni Kuya.

Nang mapagsabihan na ay sinabi nito na hindi na uulit, ngunit isang araw pa lang ang nakalipas ay nagbiro naman ito na pagsasamantalahan ang isang lalaking housemate na si Gino Roque IV.

“Siguro masarap itong katabi pagtulog,” ayon kay Dangalan habang nag-aalmusal.

Minungkahi nito na makipagpalit ng pwesto sa pagtulog para makatabi si Gino sabay sabing: “Pagsasamantalahan ko lang ito. Paggising nito, wala na ‘tong saplot.”

Pinatawag siya ni Big Brother sa confession room at dito na sinabi ang desisyong paalisin siya sa bahay.

“Ang pananamantala sa kapwa, sa kahit anong konteksto ay hindi dapat ginagawang biro. At kailanman ay hindi ko maaring palagpasin ang mga ganitong klaseng biro sa loob ng aking bahay,” saad nito.

“Malinaw din na nakasaad sa aking rule book na hindi kayo maaaring gumamit ng mga salitang nakakabastos sa inyong kapwa housemates,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?