27

Apr 17, 2020 @ 15:37
By

Dahil sa quarantine: Mga madre natuto na mag-basketball!

Kahit ang mga madre, nakiki-ball is life na rin.

Sa tweet ni @AleAvilaV, nag-setup ng basketball court ang mga madre sa Spain sa kabila ng quarantine dulot ng COVID-19.

Makikita sa video na game na naglalaro sila sister ng basketball, na tila pinapatupad pa rin ang social distancing dahil sa layo sa isa’t isa.

Enjoy naman ang mga madre sa naturang sport.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?