48

Aug 4, 2021 @ 12:34
By

Dahil sa punuang ospital: Ilang pasyente sa Aklan sa ambulansya na nalagutan ng hininga

Ilang COVID-19 patient ang namatay nang naghihintay makapasok sa ospital sa Kalibo, Aklan.

Ayon sa ulat ng 24 oras, puno na kasi ang mga ospital kaya sa mga ambulansya na lamang inabutan ng huling hininga ang mga nasawing COVID patient.

“Tina-try po namin habulin ‘yong buhay ng pasyente namin. [D]ue to pila nga po sa hospital, ang daming pasyente, ‘yong kalimitan nangyayari po sa ambulansya na lang halos namamatay ang pasyente,” wika ni first responder Jeremie Fernandez sa panayam sa kanya ng 24 Oras.

Kasalukuyang nakasailalim ang naturang probinsya sa modified enhanced community quarantine hanggang ika-15 ng Agosto bunsod ng patuloy na paglobo ng COVID at Delta variant case sa kanilang lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?