313

May 29, 2019 @ 12:31
By

Dahil sa Pisay scandal: Respeto sa kababaihan, giit ni Robredo

Nanawagan si Vice President Leni Robredo na dapat ay maparusahan ang mga estudyanteng sangkot sa naging eskandalo sa Philippine Science High School.

Ayon sa Bise Presidente, tila may problema sa kultura ng eskuwelahan dahil sa kabila ng mga matatalinong estudyante ng nasabing paaralan ay nangyari pa ang ganitong insidente.

“Perhaps we should not be surprised that even in a community of our nation’s brightest young minds, the poor treatment of women, at the hands of even those they trusted as intimates or friends, persists. The problem, after all, is not one of intelligence, but of culture,” saad ni VP Leni.

Aniya pa, may ilan pa ring nangmamata sa mga kababaihan na dinidiktahan dahil sa itsura, at madalas na biktima ng sexual harassment dahil sa kanilang gender.

“What is worse, this condescension and abuse is presented as simply being ‘the way of the world,’ with those who protest dismissed as ‘overreacting’ or ‘someone who cannot take a joke,'” pahayag niya.

“That begins with calling out behavior that is disrespectful and abusive to women, and ensuring that it is appropriately sanctioned. Not making excuses for it, not attempting to justify it, but recognizing it for the injustice it is, and taking the necessary steps to ensure it is not repeated again,” aniya pa.

Sa nangyaring photo scandal sa Pisay, hindi makakasama sa graduation rites ang anim na estudyante, ngunit bibigyan ng diploma ang tatlo dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?