227

Nov 4, 2017 @ 12:17

Dahil sa pang-aagaw, construction worker inutas

Walang bakas ng pagsisisi ang isang lalaki sa ginawang pagpatay sa isang construction worker sa Pasay City.

Natunton kamakalawa ng mga pulis sa Parañaque City si Eddie Algar na inamin ang pagbaril kay Eric Manancho noong Oktubre 28.

Nakilala si Algar base sa CCTV footage kung saan napanood ang ginawa niyang krimen.

Ayon kay Algar, ipinaghiganti niya lang ang kanyang biyenan dahil ang dati nitong live-in partner na si Helen Pellodar ay inagaw diumano ni Manancho.

“Wala akong pinagsisihan. Masamang tao siya, naka-insulto siya,” katuwiran pa ni Algar sa pagpatay kay Manancho.

Paniwala naman ni Pellodar, may kinalaman ang biyenan ng suspek sa pagpatay sa kanyang kinakasama.

Dagdag pa nito, na nais niya na mamatay na rin si Algar. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?