14

Jul 24, 2021 @ 15:09
By

Dahil sa panahon! 3 siyudad sa NCR nagkansela ng turukan

Tatlong siyudad sa Metro Manila ang nagsuspinde ng pagbabakuna ngayong Sabado dahil sa walang tigil na pag-ulan.

Ang mga ito ay ang mga lungsod ng Pasig, Pasay at Caloocan.

“Para sa kaligtasan ng mga babakunahan at mga miyembro ng Vaccination Team, pansamantalang ititigil muna ang pagbabakuna kontra COVID-19 ngayong araw, July 24, 2021. Tatapusin lamang ang pagbabakuna ng mga indibidwal na nakapunta sa vaccination sites ngayong umaga at isasara na pansamantala ang mga ito,” saad sa social media post ng Pasig City Public Information Office.

“For the general safety of everyone, all vaccination schedules for today are cancelled due to the inclement weather condition,” pahayag naman ng Pasay PIO.

“Dahil sa patuloy na masamang panahon at posibilidad na magkaroon ng aftershocks dulot ng malakas na paglindol kaninang madaling araw, hindi na po tatanggap ng mga magpapabakuna sa ating mga vaccination site,” saad naman sa Facebook post ni Caloocan mayor Oca Malapitan.

Inabisuhan ang mga residente ng mga naturang lungsod na hintayin ang kanilang anunsyo tungkol sa schedule ng turukan. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,