44

By

Dahil sa pambabangga sa PH vessel: DFA naghain ng protesta kontra China

Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin na naghain na siya ng diplomatic protest sa China dahil sa pambabangga ng isang Chinese vessel sa bangka ng 22 mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea.

“…meanwhile I fired off a diplomatic protest yesterday,” ayon kay Locsin bilang tugon sa tweet ni Senador Antonio Trillanes.

“The Maritime Safety Committee of the IMO (international Maritime Organization) is it; but, Sonny, that I will proceed on the merits of the case and what it calls for while the matter is studied by the IMO,” dagdag pa.

Naunang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na naka-angkla lang ang bangka ng mga Pinoy at mga Chinese ang bumangga dito.

Sinabi naman ni AFP Wescom spokesman Lt. Col. Stephen Penetrante na tila hit and run ang nangyaring insidente.

“After the collision, the Chinese vessel immediately umalis, tumakas, parang hit and run,” ayon kay Penetrante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?