9

Apr 5, 2021 @ 15:53
By

Dahil sa paglobo ng COVID: PBA bubble puwede maulit

Binahagi ni PBA Commissioner Willie Marcial na maaring magkaroon muli ng bubble setup sa liga.

Ito’y kasunod ng enhanced community quarantine (ECQ) na pinatupad sa NCR Plus area, na magtatagal pa hanggang April 11.

Matatandaan na Abril ang unang target ng PBA para sa 46th season, ngunit mauurong ito dahil sa lockdown status sa Metro Manila, Rizal, Laguna, Bulacan at Cavite.

Ayon kay Marcial, Mayo ang kanilang panibagong tinitingnan na petsa kung kailan muling magbabalik ang liga.

Samantala, pinag-iisipan din ang bubble setup, ngunit paliwanag ng commissioner ay ‘last option’ na ito dahil sa epekto ng naturang setup sa mga player, gayundin ang malaking gastos para sa bubble.

Lahad ni Marcial, kung hindi sang-ayon ang lahat ng player sa bubble ay hindi dapat ito matuloy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?