91

By

Dahil sa paglipat ni Kawhi: Danny Green biyahe sa Lakers

Ilang minuto matapos mainanunsyo na hindi na babalik ng Toronto Raptors si Kawhi Leonard, nagdesisyon ang veteran sharpshooter na si Danny Green na iwan na rin ang Canada-based squad.

Ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN, pipirma si Green sa Los Angeles Lakers para sa two-year deal na nagkakahalaga ng $30M.

Sa nasabing paglipat, kanyang sasamahan ang powerhouse duo nina LeBron James at Anthony Davis sa Purple and Gold.

Kakakampeon lang ni Green kasama si Kawhi sa Raptors, napatunayan na rin na kayang maging complement piece sa championship team ng maging champion din sa San Antonio Spurs noong 2014, kung saan naging kampi din nito si Leonard.

Napaulat din na nais ding mapabalik ng Raptors si Green sa koponan, at sumali rin sa agawan ang Dallas Mavericks, ngunit parehong nabigo sa pagsungkit sa 32-year old sharpshooter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?