250

May 21, 2019 @ 12:33
By

Dahil sa pagkatalo ng Otso Diretso, Pangilinan nagresign bilang LP president

Binitawan na ni opposition Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan ang pagiging presidente ng noo’y dominanteng Liberal Party (LP).

Ayon sa pahayag ng partido, iiwanan na ni Pangilinan ang posisyon simula sa June 30.

“As campaign manager for the Otso Diretso slate, I was unable to ensure our victory in the elections and I therefore assume full responsibility for the outcome and hold myself primarily accountable for this defeat and have tendered my resignation as president of the LP effective June 30, 2019,” saad ni Pangilinan.

Ibinigay ni Pangilinan ang kaniyang resignation letter sa chairperson ng partido na si Vice President Leni Robredo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?