4,843

Nov 5, 2019 @ 11:45
By

Dahil sa pagbanat kay Nieto: Erwin Tulfo ban sa Cainta

Idineklarang persona non grata o ban na sa Cainta, Rizal si news anchor at broadcaster na si Erwin Tulfo.

Ito ay matapos mag-post ng hindi magandang comment ang broadcaster sa Facebook page laban kay Cainta Mayor Johnielle Keith Pasion ‘Kit’ Nieto.

Agad na nagpasa ng resolusyon ang Cainta council ng pagdedeklarang bilang persona non grata si Tulfo na hindi na maaari pang makapunta o makatapak ng Cainta dahil hindi na siya welcome sa Cainta.

Nag-ugat ito nang mag-viral sa FB post ng journalist noong Nobyembre 1 nang i-post ni Tulfo na lumabag sa ordinansa ang alkalde dahil walang suot na helmet.

“ETO SI MAYOR JOHNIELLE KEITH NIETO NG CAINTA, RIZAL… WALANG SUOT NA HELMET DAHIL BINIGYAN NIYA RAW NG WAIVER ANG SARILI SA HINDI PAGSUOT NG HELMET AT YUNG MAKAKABANGGA SA KANYA,” ayon sa post ni Tulfo.

“MAYOR NIETO, HINDI ORDINANSA O DIREKTIBA NG LTO O MMDA ANG PAGSUOT NG HELMET. ISA PO ITONG BATAS – REPUBLIC ACT 10054 O ANG “MOTORCYCLE ACT OF 2009.”

Ayon dito, naispatan umano ang alkalde na walang suot na helmet na kung saan ay dadalo si Nieto sa isang kasalan na malapit lamang na simbahan.

Agad namang sumagot ang alkalde sa FB post ni Tulfo na nag-apologize sa ginawang paglabag na kung saan ay nagtungo pa ito sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) para magpatiket.

Base sa post ni Mayor Johnielle Keith Pasion Nieto:

“I make this public apology to all who have witnessed me riding a motorcyle without a helmet heading towards a church to attend a wedding.

I offer no excuses for breaching the law.. i only attempted to explain what happened and why i did it.. but it does not in any way exempt me from complying with what is required by our laws..

I should have been more circumspect in maintaining the image of a compliant citizen given the position i hold..

On monday, i will be heading towards the LTO to secure my citation ticket and pay the penaties as may be warranted.. i will thereafter proceed to the DILG office to face any disciplinary action that may be meted accordingly inclusive of A sanction that would require me to vacate my office..Isang pangkalahatang paumanhin sa lahat..”

Iba’t ibang batikos naman ang ginawa ng mga taga-Cainta kaugnay sa pambabatikos ni Tulfo sa kanilang alkalde.

Matapos magpatiket sa LTO ay nakatakda naman si Mayor Nieto na magtungo sa Department of the Interior and Local Government (DILG) office para harapin ang anumang disciplinary sanction.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?