1,440

Nov 28, 2021 @ 20:16
By

Dahil sa pag-uusig! Mundo nahaharap sa parusa – Quiboloy

Binalaan ni Pastor Apollo Quiboloy ang sangkatauhan na may mas matindi pang nag-aabang sa Omicron variant sakaling ituloy ang pangungutya, pag-uusig, at pananakit sa kanya.

Sa kanyang sermon ngayong Linggo sa kanyang sekta na ‘The Kingdom of Jesus Christ,’ sinabi ni Quiboloy na umpisa pa lang ng mga paparating na parusa sa mga tao ang Delta variant ng COVID.

“The Delta virus variant of COVID-19 is only an introduction. If you keep on hurting, persecuting, and harming the Appointed Son and the Kingdom, you will see much more worse than the Omicron variant,” saad ni Quiboloy sa kanyang sermon.

Si Quiboloy ay itinuturing na ‘Appointed Son of God’ sa The Kingdom of Jesus Christ.

Ang pahayag ng pastor ay kaugnay ng kasong isinampa sa kanya sa USA, dahil umano sa sex trafficking.

“Judgment is upon this earth today. The way you treat the Appointed Son is the way the world is going to receive this judgment,” dagdag pa ng pastor, na spiritual advisor ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?