109,045

By

Dahil sa pag-resign ng nireklamong guro: Raffy Tulfo ignorante sa journalism – UP prof

Marami ang nainis sa naging episode sa segment na ‘Ipa-Raffy Mo’ kung saan inudyukan ni broadcaster Raffy Tulfo na mag-resign ang isang guro na nireklamo ng magulang at lola ng bata na pinalabas sa classroom.

Dahil sa kinahinatnan ng guro, nag-trending ang #JusticeforTeachers na patama kay Tulfo dahil sobra ang naging parusa para sa grade school teacher na dinisiplina lang ang kanyang estudyante at wala namang pruweba sa pananakit na pisikal na ginawa sa bata.

Hinimok si Raffy na pag-aralan ang Magna Carta for Public School Teachers kung saan nakasaad na dapat maidepensa ng isang guro ang kanyang sarili at hindi rin dapat ma-publicize ang disciplinary action na gagawin sa guro.

Maging ang political blogger na si Francis Baraan IV ay nagsalita ukol sa isyu, sinaad na ‘joke’ umano ang show ni Tulfo at dapat ay dumaan sa tamang proseso bago pinilit na mag-resign ang guro.

Saad naman ng University of the Philippines professor at bagong Media Asia editor na si Danilo Arao, dapat ay alamin muna ng tunay na journalist ang magkabilang panig.

Aniya pa, naging klaro umano na ang naging problema umano ni Tulfo ay ang pagiging ignorante umano nito pagdating sa journalism.

“JOURNALISM 101: A journalist cannot analyze an issue unless he or she knows all possible sides. As regards the teacher being humiliated due to a complaint, the problem with Tulfo has less to do with his ignorance of teaching and more to do with his ignorance of journalism,” ayon sa tweet ni Arao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?