37

Feb 28, 2020 @ 13:34
By

Dahil sa nabaling ilong: Lassiter may bagong moniker

Kailangang abangan si Marcio Lassiter sa opening day ng PBA sa March 8.

Hindi magpapapigil ang San Miguel Beer sharpshooter sa nabaling ilong, lalaro na kontra Magnolia para sa kanilang unang salang sa 2020 PBA Philippine Cup.

Ayon kay Lassiter, magsusuot siya ng protective mask para maingatan ang ilong.

Gumawa pa siya ng bagong palayaw para sa sarili

“The Masked Cio!” sambit ni Lassiter habang minemuwestra ang isusuot na mascara.

All black umano ang kanyang isusuot, kaparehas sa dating sinuot ng kanyang teammate na si Alex Cabagnot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?