46

By

Dahil sa lupa, 1 napapatay sa PH kada linggo – report

Isang Filipino farmer, farm worker, katutubo o land activist ang namamatay kada linggo ngayong taong 2019, ayon sa pag-aaral ng regional advocacy group PAN Asia Pacific (PANAP).

Kumpara ito sa datos noong 2018 na may isang biktimang namamatay kada dalawang linggo.

Ayon din sa “Land & Rights Watch 2019” report ng PANAP, nanatili ang Pilipinas bilang pinakamapanganib na bansa para sa mga magsasaka at katutubo.

Mula Enero hanggang Nobyembre 2019, nakapagtala ang PANAP ng kabuuang 108 biktima sa 84 kaso ng pagpatay na kaugnay sa labanan sa lupa sa 14 bansa.

Mas mataas ito sa naitalang 91 biktima sa 57 kaso ng pagpatay sa parehong panahon noong 2018.

Lumala rin umano ang land-related killings sa iba’t ibang bansa na karamiha’y ginawa ng hindi kilalang suspek o ng mga awtoridad.

Sa Pilipinas, mas maraming pagpatay (27 biktima) ngayong taon ang ginawa ng mga state force o mga pulis, sundalo, paramilitar, at iba pa. Bunga ito ng pagpapatindi ng gobyernong Duterte sa counterinsurgency campaign nito.

Nakapagtala rin ang PANAP ng kabuuang 138 kaso ng human rights violation, na kaugnay sa labanan sa lupa, sa 23 bansa mula Enero hanggang Nobyembre 2019.

Mas mataas ito sa naitalang 128 kaso sa 21 bansa sa parehong panahon ng 2018.

Layon ng PANAP report na bigyan ng ideya ang publiko sa lagay ng mga land defender sa buong mundo.

“Land & Rights Watch is an initiative of PANAP and its partners and networks in the region to closely monitor and expose human rights abuses against communities opposing land and resource grabbing,” sabi ng grupo sa isang press release.

“While not exhaustive, PANAP stressed that the compiled data and information help provide a glimpse of the alarming state of human rights confronted by indigenous peoples, farmers, farmworkers and others in the rural communities around the world that are defending their right to land and resources,” hayag pa nito.

Maaaring basahin ang buong report ng PANAP dito: https://files.panap.net/resources/Land-and-Rights-Watch-2019-Yearend-Report.pdf

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?