56

Oct 13, 2021 @ 11:37
By

Dahil sa lockdown! Andrea di makahanap ng ipapalit kay Derek

Kasabay ng paglabas ng prenup photos sa nalalapit na kasal nina Derek Ramsay at Ellen Adarna, ibinunyag ni Andrea Torres na matagal na siyang handa na makipagrelasyon muli.

Sa katunyan aniya, matagal na siyang lumalabas-labas kasama ang ilang ‘potential boyfriend’ niya.

“Yes! Actually nag-start na ko bago yung last EQC…naudlot lang,” anang aktres nang tanungin kung ready na ba siya “to mingle.”

“Bago mag-last ECQ, lumalabas-labas na rin ako. Open na ’ko to meet other people,” wika niya.

“Pero ‘yon nung nag-lockdown ulit, nag-stop muna siya safety first,” dagdag pa niya.

Matatandaang Nobyembre 2020 nang maghiwalay sina Andrea at Derek.

Samantala, nito lamang Marso ngayong taon naging mag-on sina Ellen at Derek na siyang ikakalsal na bago matapos ang 2021. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?