4

Aug 6, 2020 @ 16:33
By

Dahil sa kupad ng COVID test result: Mga pasyente naiipon sa tent

Dumadami ang mga pasyente sa loob ng hospital tent dahil umano sa mabagal na pagproseso ng COVID-19 test result.

“Now the issue here really is, the turnover of patients in the holding area can only be made fast if the results of the RT-PCR tests are fast,” ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega.

Saad ini Vega, hindi maaaring makapasok agad sa isang ospital ang mga probable at suspected COVID-19 carrier kaya inilalagay muna sa mga hospital tent.

Ang nasabing paliwanag ay kasunod ng mga report kung saan puno na umano ang ospital ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center at inilalagay na lang sa mga tent ang pasyente.

Tumatagal ng 24 oras o umaabot pa minsan ng tatlong araw bago mailabas ang resulta ng isang nagpa-COVID-19 test.

“On the ground, you know very well the testing sometimes, and even the clearance of results, would come in days,” saad ni Vega.

“I think hospital administrators or hospital directors must come up with innovations about how they can best put their patients in a holding area, whether they want to put it in a tent or a section of a hospital,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?