79

Jun 25, 2019 @ 15:54
By

Dahil sa krisis sa tubig: Department of Water napapanahon na – Tolentino

Muling isinuhestiyon ni Senator-elect Francis Tolentino ang pagbuo ng isang departamento na tututok sa suliranin ng bansa sa suplay ng tubig.

Panahon na aniyang pag-isahin ang lahat ng tungkulin ng water agencies gaya ng National Water Resources Board, Metropolitan Waterworks and Sewerage System at Local Water Utilities Administration.

“Parang pinagsama-sama mo lang, for coordination. Para isa lang ang in-charge pati ang control, operation, maintenance of dams and river systems,” saad ni Tolentino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?