386

By

Dahil sa kotong: Checkpoint sa ‘Pinas, tigil na – Duterte

Sharing is caring!

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar at pulisya na buwagin ang lahat ng mga checkpoint sa buong bansa.

Ayon sa Pangulo, ang mga checkpoint ang isa sa mga dahilan sa pagtaas ng presyo ng commercial rice dahil nagiging gatasan ito ng mga tiwali sa gobyerno.

Ginawang halimbawa ng Pangulo ang ginawang pagsibak sa buong tauhan at opisyal ng Land Transportation Office (LTO) at DPWH sa Karanglan, Nueva Ecija dahil kinokotongan ang mga truck na may kargang bigas patungo sa Metro Manila.

“I am ordering the police and the military to dismantle all checkpoints. ‘Yan diyan ang nakawan eh. Diyan yung magbigayan tapos added to the cost of the–pagdating dito, mahal na,” anang Pangulo.

Hinimok din ng Presidente ang publiko na ireport sa 8888 ang mga namemerwisyo sa mga produktong dinadala sa Metro Manila o sa ibang lugar para maaksiyonan agad ng mga awtoridad.

Bukod sa mga truck na nagdadala ng bigas ay nagiging biktima rin ang mga truck na nagdadala ng gulay at iba pang produktong agrikultura dahil hinaharang ang mga ito sa mga checkpoint sa highway at kinokotongan kaya binabawi ito sa mga panindang gulay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?