127

Dec 25, 2019 @ 10:45
By

Dahil sa ‘killer’ lambanog: State of calamity tinaas sa Rizal, Laguna

Kasunod ng pagkamatay ng nasa 14 katao, nilagay na sa state of calamity ang bayang ng Rizal sa Laguna dahil sa pagkalason mula sa pag-inom ng lambanog.

Ayon sa Laguna Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa 5000 katao na mula Rizal, Nagcarlan at San Pablo ang dumumog sa ospital dahil sa masamang pakiramdam matapos makainom ng lambanog.

Mayroon pang mga pasyente na dinala sa Maynila at Batangas, na ang iba pa ay nasa coma state dahil sa methanol poisoning.

Ayon kay DOH regional chief Eduardo Janairo, kailangang obserbahan ang mga pasyente na posibleng nalason ng tatlo hanggang limang araw dahil posibleng makaranas ng pagkabulag at organ failure na delikao sa buhay ng tao.

Samantala, ginawang libre na ng DOH ang mga bayarin ng mga nabiktima ng lambanog na isinugod sa Batangas Medical Center, East Avenue Medical Center, Rizal Medical Center at Philippine General Hospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?