125

Sep 18, 2019 @ 12:08
By

Dahil sa katiwalian sa gov’t: Sakit sa ulo ni Duterte pang-forever

Sumasakit na umano ang ulo ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa walang katapusang korapsiyon sa gobyerno.

Sinabi niya ito dahil naniniwala siyang matapos ang kontrobersiya sa Bureau of Corrections (BuCor) ay mayroon na namang isang ahensiya na malalantad dahil sa korapsiyon.

Ito aniya ang dahilan kaya gusto na ni Pangulong Duterte na umalis sa gobyerno.

“‘Di ba sinabi ko sa inyo? Gusto ko na ngang umalis eh. Corruption is everywhere. Ang sakit ng ulo ko, walang katapusan,” anang Pangulo.

Abala aniya ito para malutas ang problema at maprotektahan ang interes ng gobyerno sa korapsiyon dahil mayroon na namang susunod na ahensiya na malalagay sa kontrobersiya .

“Next week meron na namang bureau ‘yan, tingnan mo. I have been busy just not really slving but trying to protect government interest dito sa corruption na ito,” dagdag ni Duterte.

Sa mga nakalipas na talumpati ni Duterte ay inihayag nitong gusto na nitong umalis dahil pagod na ito sa pagsawata umano sa talamak na katiwalian sa gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?