223

Nov 6, 2019 @ 16:28
By

Dahil sa kakaibang imbensyon: Mga HS student wagi sa Malaysia

Literal na gumawa ng ingay ang mga Grade 11 student mula Philippine Science High School-Western Visayas dahil sa kanilang imbensyon na nakakapag-convert ng sound waves bilang kuryente.

Wagi ng silver award sa Young Investors Challenge 2019 sa Malaysia sina Kirsten Dianne Delmo, Nico Andrei Serrato, Joecile Faith Monana, Frelean Faith Engallado, at Raphael Francis Dequilla, na binansagang ‘Team Voltage 5’, dahil sa imbensyong The Sound-Light o ang ‘S-Light’.

P200 lang ang nagastos ng mga Pisay student para magawa ang imbensyon, na isang gadget na ginagamit ang sound waves para maging electrical energy na maiipon sa isang powerbank.

Makatutulong ang nasabing device sa mga liblib na lugar para magkaroon sila ng pagkukunan ng kuryente na kailangan sa Pilipinas.

Saad pa ng mga estudyante na kapag nilagay ang kanilang imbensyon sa isang airport na kayang mag-produce ng 140 decibel na tunog ay sapat na para mapailaw ang isang 5 watt LED light magdamag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?