161

Sep 6, 2019 @ 15:09
By

Dahil sa Inopacan, Leyte massacre: Joma Sison, 37 pa, kulong sa murder

Naglabas ng arrest warrant ang Manila Regional Trial Court Branch 32 kina Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison at 37 iba pa dahil sa nangyaring Inopacan massacre noong 1985.

Ang warrant ay nilagdaan ni Judge Thelma Bunyi Medina na nakasaad na walang piyansang ibibigay kina Sison at iba pang kasama.

15 counts ng murder ang tinapat kina Sison dahil sa pagkamatay ng nasa 121 katao sa Leyte noong 1985.

Matatandaan na New People’s Army ang tinuturong nagpapatay sa 121 katao sa Baybay City at Inopacan at Mahaplag.

Si Sison ay nasa ibang bansa pa matapos makakuha ng political asylum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?