314

Jun 27, 2019 @ 14:25
By

Dahil sa hiwalayang Song-Song couple: Descendants of the Sun trending ulit

Umabot ang kasikatan ng hit K-Drama na ‘Descendants of the Sun’ hanggang ‘Pinas, at muling lumutang ang popularidad nito hindi dahil sa magandang dahilan.

Nitong Huwebes ay kinumpirma ng DOTS lead actor na si Song Joong Ki na naghain na siya ng divorce para mapawalang-bisa ang kasal nila ng kanyang ka-partner sa serye na si Song Hye Kyo.

Sa social media, marami ang napa-react, sinabing hindi na nila muli mapapanood ang DOTS dahil sa hiwalayan ng dalawa.

Magkakaroon ng remake ang popular na drama na gagampanan nina Dingdong Dantes, Rocco Nacino at Jasmine Curtis sa Kapuso network.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?