25

Sep 17, 2021 @ 12:48
By

Dahil sa e-passport printing: Utang ng DFA namaga sa P398-M

Lumobo na sa P398 milyon ang utang ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa isang kompanya dahil sa printing ng mga e-passport.

Dahil dito, binusisi ni Senadora Imee Marcos sa budget deliberation sa Senado nitong Huwebes ang mga hakbang ng DFA para mabayaran ang kanilang utang sa Apo Production Unit.

Ani DFA Undersecretary Brigido Dulay ng Civilian Security and Consular Affairs, nagbabago kasi ang presyo ng serbisyo para sa passport printing sa mga nagdaang taon.

“Which is why we are asking for supplement because we have actually printed more passports than what was allocated,” ani Dulat.

Kaugnay nito, may inilaan ang pamahalaan na P3.446 bilyon sa DFA na siyang bahagi ng 2022 proposed budget para sa printing ng e-passports.

Ngunit wika ni DFA Assistant Secretary Myla Grace Macahilig, hindi nito masasakaop ang utang ng ahensya sa DFA dahil pareho lang aniya ang laki ng badyet na ibinigay sa kanila ngayong taon para sa 2022. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?