43

Jul 21, 2021 @ 12:19
By

Dahil sa Delta variant: Quezon City maghihigpit sa KyusiPass

Ginawang mandatory ng Quezon City para sa lahat ng establisimyento ang paggamit ng KyusiPass para sa kanilang contact tracing.

Sa inilabas na City Ordinance No. PO21CC-456, inutusan ang lahat ng negosyo na maglagay ng mga QR code para sa KyusiPass.

Ayon sa ordinansa, ang contact tracing app ay gagamitin dahil sa banta ng mas nakahahawang Delta variant.

Considering the reported cases of a more contagious and transmissible COVID-19 variant, e.g. Delta variant, also known as B.1.617.2, there is a need to fully implement the “KyusiPass Ordinance” not later than August 15, 2021,” ayon sa ordinance.

“The key to prevent the spread of the Delta variant is through a stricter contact tracing that we can achieve through KyusiPass,” sambit pa ni Mayor Joy Belmonte.

Saad ng alkalde, ginagawa lang display ng ibang bar ang KyusiPass, at aniya’y nagkakaroon ito ng negatibong epekto sa COVID-19 response ng lungsod.

Ang mga establisyemento na hindi gagamit ng KyusiPass ay magmumulta ng P3,000 para sa first offense.

P5,000 naman sa second offense, dagdag pa ang suspension ng prangkisa o negosyo at temporary closure order.

Sa ikatlong paglabag ay papatawan na ng closure order ang establisimyento.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?