19

Jul 23, 2021 @ 10:31
By

Dahil sa Delta variant: Mga NCR mayor humirit na higpitan COVID protocol

Minungkahi ng mga alkalde sa Metro Manila na magkaroon ng mas mahigpit na health protocol dahil sa pagdami ng kaso ng Delta coronavirus variant sa bansa.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos Jr, magkakaroon ng bagong quarantine classification sa NCR dahil sa bagong variant.

“Just wait for the classification for Metro Manila it will be announced by Sec. Harry [Roque]. Our recommendation is of course, for stricter protocols right now,” sambit ni Abalos.
Sa ngayon ay nasa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, na inaasahang tatagal hanggang sa pagtatapos ng July.

Sa tala ng Department of Health (DOH), umabot na sa 47 ang kumpirmadong kaso ng Delta variant sa bansa, kung saan inanunsyo rin na may local transmission nang naganap.

Walo dito ang aktibong kaso, habang tatlo naman ang nasawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?